Mga kapatid ni Michelle Dee na may special needs, bahagi ng tagumpay niya sa Miss Universe PH 2023

Isang sorpresa para kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang pagdalo ng kanyang nanay na si Melanie Marquez sa coronation night ng pageant. Ginanap ang event noong Sabado ng gabi, May 13, 2023 sa Mall of Asia Arena.

Noong nakaraang taon, sumali rin si Michelle sa Miss Universe Philippines, pero hindi nasaksihan ni Melanie nang koronahan siya bilang Miss Tourism Philippines 2022.

Dumating noon sa Mall of Asia Arena si Melanie, pero hindi nito itinuloy ang pagpasok dahil sa isang emergency.

Ngayong taon, hindi lamang si Melanie ang nagbigay ng buong suporta sa muling pagsali ni Michelle.

Michelle Dee: ‘Miss Universe is the most bardagulan pageant in my opinion’

Kasama rin ni Melanie ang iba pang mga anak na sina Mazen, Maxine, at Adam.

Si Mazen ang anak ni Melanie sa isang sheik.

Sina Maxine at Michelle ang mga bunga ng pagmamahalan ni Melanie at ng kanyang ex-husband, ang former action star na si Derek Dee.

Si Adam ang supling ni Melanie sa estranged husband na si Atty. Randy “Adam” Lawyer.

Ang panganay sa mga anak ni Melanie ay si Manuelito, na anak niya kay Senator Lito Lapid.

Si Melanie ay hinirang na Miss International noong 1979, at ang mga yapak niya bilang model/actress/beauty queen ang sinundan ni Michelle.

Watch: Melanie Marquez’s reaction to Michelle Dee’s MUPH win:

MICHELLE DEE’S TOUCHING STORY

Bahagi ng Miss Universe Philippines 2023 journey ni Michelle ang mga kapatid na sina Mazen at Adam.

Parehong may special needs sina Mazen at Adam.

Kaya autism awareness at mental health education ang napiling adbokasiya ni Michelle sa matagumpay niyang palawang paglahok sa pageant.

READ MORE  Mitt Romney Announces Plan To Stop Trump And Gives Date For Action: “Republican Megadonors Have To Get Candidates To Withdraw By Feb. 26”

Sa kanyang “Her Story” video noong March 10, ipinakilala ni Michelle sa publiko sina Mazen at Adam.

Kinunan ang video sa Salcedo Park sila, na isang minuto ang layo mula sa condo unit na tirahan nila.

“These are my two brothers, individuals on the spectrum. This is Adam, my younger brother and this is Mazen, my older brother as well. So all of us grew up here,” bungad ni Michelle.

Malaking bahagi sa kanilang buhay ang lugar dahil kinalakihan nila iyong lugar para maglaro at mag-ehersisyo.

“When you have brothers in the spectrum, they also need a lot of exercise kaya lagi silang tumatakbo dito.

Michelle Dee: ‘Miss Universe is the most bardagulan pageant in my opinion’

“Dito sila nag-e-exercise just to wind down and relax.

“This is why I advocate for autism awareness because my brothers needed it and everyone on the spectrum needs it too.”

MICHELLE’S DETRACTORS

Naranasan ni Michelle na maging biktima ng mga batikos at iresponsableng paghuhusga nang siya ang koronahan na Miss Universe Philippines 2023.

Hindi kasi matanggap ng mga tagasuporta ng ibang mga kandidata ang kanyang tagumpay.

Kung malalaman lamang ng detractors ni Michelle ang mga pagsubok at hamon ng buhay na pinagdaraanan niya bilang anak, at pagkakaroon ng dalawang kapatid na may special needs na habambuhay niya na dalahin, tiyak na mapapalitan ng paghanga ang poot na kanilang pinaiiral laban sa newly crowned Miss Universe Philippines.

Leave a Comment